Skip to main content

TAGUMPAY


Sa pagdating ng araw na ikaw ay babalik
Sana'y matagpuan ang ilaw na naihalik
Sapagkat ang paglisan ay di maiiwasan;

Ang panahong magbalik sa Kanya kaibigan.

Habang ikaw ay lungkot at lumbay
Isipin mo ring habang may buhay.
Ikaw rin ay magtagumpay
Sa kabila ng hirap at lupaypay.

Sa lihim ng dilim
Pighati at sakit iyong naangkin.
Hamon ay haharapin
At sarili mo'y iibigin.

Sa haba ng buhay
Tila ba'y guni-guni ang tagumpay.
Sa kompletong mong kamay,
Dito ang lahat nakakasalalay.

Bago magwakas ang sulat na ito,
Naisip mo ba'y manatili o kaya'y magbago.
Buksan ang isipa't puso
Dahil ang tagumpay ay di na malayo.