Skip to main content

SERYENG PANINIWALA SA BAYAN




Di basta-basta kapag si Mayor Rody ang topic sa social media. Ang dami nating magaling noh? Oo nga nagmamagaling ako at feeling sawa na rin ako sa mga magaling na comments dito.
Kahit manalo pa si Mayor, ano paking personal n'ya para sayo? Ang ginawa at gagawin ay para sa pangkalahatang serbisyo publiko. At least man lang, may taong di katulad ko na walang ginagawa para sa bayan kundi puro buwis, kasali na ang simpleng pagpapakita ng pakikisyempatikong pagmamahal.
Totoo man na kahit saang lupalop ng mundo, ang tao naman ay may dalang kasamaan. Di ka safe eh. Tao eh at di robot. Sadyang may tao lang na responsable at iresponsable at kasali na ako dito.
Sadyang may mga gagong tao lang na di kayang tapatan ng santo kundi kayang idaan sa tapatang-kamay na bakal. Tulad ng mama ko nung bata pa ako. Kung di ako nakaramdam ng sakit mula sa kanya, di ko ma feel ang sakit na may dalang pagmamahal n'ya. Saan kaya ako pupulutin ngayon?
Wala rin akong paki kung sino iboboto mo dahil ang may paki ako ay sa kandidatong may nagawa na para sa bayan. Langga, di ganyan ka simple mamumuno at kung si Miriam, Rody, Grace, Jejomar at Mar ay walang abilidad sa leadership, siguro nag suicide na at na depressed sa dami ng negatibong komento.
Pagpili mo'y igagalang ko, maging responsable na nga tayo kundi lang para sa sarili pati na rin sa ibang tao at sa bayan. Ang paniniwala ko na ang pagbabago ay nagsisimula sa akin, sayo at sa lahat.
P.S Komento ka lang, wag mo akong i-putang ina dahil ganyan tayo, palaban at may putang ina ka rin sa akin. Constitutional right ko ito.