Skip to main content

October 28, 2014. MAGING ISA KA DAPAT




Naging normal na sa atin kung magaling ka sa isang bagay, marami talaga ang ma-inggit at sisiraan ka. Hayaan mo lang sila at ipakita mo pa sa kanila na ang ginagawa mo ay di para sa kanila, ito ay para sa sarili mo, sa pamilya, sa kaibigan at pati na rin sa Kanya. Sapagkat kung sa tutuusin, lahat naman binigyan ng pagkakataon upang matuto sa isang bagay na madala natin sa habang buhay. Kung alam mo na tama ang ginawa mo at para sa kanila ay di tama, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuti mong tao. Pagdating ng araw, sampal sa mukha nila ang ginawa nilang panlalait laban sayo. Bakit may mga taong ganyan? Laging sinasabi, ang pangit pangit ng ginagawa mo. Ano? May naitulong ba sila para sayo. Ang tao sadyang ganyan, naghahanap ng kakulangan hindi natuto sa anong meron. Binigyan na nga, nagrereklamo pa. Nakapag-aral o nakapagtrabaho na nga, lagi pang sinasabi na pagpagod na ako. Ano ba gusto mo talaga? Ang pagmamahal sa ginagawa, pagpapakatotoo sa sarili, pagiging malikhain, pagiging masayahin, positibo, may kalayaan sa paggawa na walang naapakan, pagiging positibo sa pag-aaral, tumutulong sa iba at laging nakakita ng maliwanag na kaalaman sa isang hamon na nalagpasan o malalagpasan ay kabilang lamang sa aspeto na nagpapatunay na ikaw ay mabuting tao at naisapuso mo ang tinuturo NYA para sayo. 


#SalamatsahamonLord
#Happyparinako
#Basamonaako
#Pagsasalaminlamangyan